Malapit na magsara ang klase nun. Second semester na at nagwawala na ang haring araw. Tanda na simula na talaga ang summer. Kagaya ng nakaugalian, kelangan pa ring gumising ng maaga para pasukan ang nakakatamad na subject na Theology 1. Bad trip kasi, 8AM ang oras nun. Napaka aga para sa walang kwentang subject na gaya nun. Isa pang badtrip dun eh yung prof. Napakasipag pumasok. Di ata kilala yung salitang "Absent". Tapos may rule pa yun na "No Bible, No Entry". At hindi counted sa kanya yung bibliyang maninipis na pinamimigay ng ibang relihiyon, kelangan talaga yung makapal. Yung my old at new testament. Maraming beses na ring maraming nadale ang maraming estudyante nya sa patakarang yun. Pero pag nakapasok ka naman sa klase nya, hindi ka rin naman magsisisi. Masaya ang klase
nya. Kadalasang puro tawa lang at hagikgikan ang maririnig mo sa mga estudyante. Madalas kasi syang magpatawa at kadalasang bastos yung joke. Kakaiba para sa isang Propesor na Theology ang itinuturo. Bukod pa dun, ang usap usapan ng mga kaklase kong may makakating dila eh myembro daw si sir ng Lihim na Samahan ng mga Lalakeng may Bigoteng na may Berdeng Dugo. Hahaha. Pero anu ba naman ang pake natin dun, buhay nya un basta ba wag SINGKO ang ilagay nya sa class record eh. Sya ata ang unang nagsabi na talented daw talaga ang mga lalaking Adamsonians. Sa lahat daw kasi ng unibersidad na kanyang napasukan, sa Adamson lang daw sya nakakita na sa pintuan palang ng CR eh may nakadrawing ng ari ng lalake (Penis ija, para magandang pakinggan! hahaha) Mabubulaga ka daw talaga. May point nga naman ang nagdrawing nun. Baka nga naman maligaw ang mga lalaki at pumasok sa kabila. Bukod pa daw dun, pagpasok mo sa loob, matutuwa ka dahil may sense of Art din pala sila. Pag tumingin ka sa pader, makikita mo ang mga mala - "Da Vinci" at mala "PICASSOng" drawing ng ating mahal na kamag aral. Sabi nga nya:
"Minsang nga sinusukat ko pa kung ano ang mas malake... yung akin o yung drawing nila. I mean yung braso ko o yung drawing nila"
"Dapat lang na parangalan yang mga batang yan, yan ang magdadala ng pangalan ng Adamson University pagdating ng araw."
Tawanan lahat hanggang sa matapos na ang klase.
Last Regular na nun at next meeting ay final exam na. Hindi na sya naglecture about sa bible. Maganda ata ang gising kaya tungkol sa buhay ang napagtripang ikwento. Marami syang nabanggit na mga aral na kanyang natutunan mula pagkabata. Inaadvise nyang tandaan namin yung mga sinasabi nya para kung sakaling time na namin alam namin ang gagawin at hindi kami mangangapa sa dilim. Pero ang pinaka malupet ata nyang nasabi nun eh yun
"...'wag na wag kang matatakot madapa. Wag kang matatakot sa babagsakan mo kung bato man ito o putik. Ang isipin mo ay ang pagbangon mo. ang importante dun ay nakabangon ka at nakapaglakad ng maayos muli. Oo nga marami kang sugat, maghihilom din yan. Anu ba naman ang peklat, simbolo yan ng iyong tagumpay."
Manhid ka na lang ata 'pag di ka tinamaan dun sa sinabi nya.
"Sana naman, sa isang sem nating pagsasama sana ay may napulot kayong aral sa akin. Kahit hindi na sa Theology o sa Bibliya o kay Jesus. Kahit may mabago lang ako sa way of living nyo. Masaya na ako." sabay ngiti at tawa ng malakas.
"Meron bang question, kahit ano. Itanong nyo na dahil baka hindi na tayo magkita." Wala atang gustong magtanong dahil lahat gusto ng lumabas. Pro maya maya may isang naglakas loob na magtaas ng kamay.
"Sir, pano kung may isang t
ao na all his life, weak yung faith nya kay God, paano nya mapapagtibay yun?"
Palakpakan ang lahat dahil unang pagkakataon na may nagtaas ng kamay para magtanong at nagbigay ng interes sa subject na yun. Tinaas ng propesor ang kamay nya pra tumigil sa palakpakan ang mga estudyante.
"Sabihin nating yung taong yun ay naglalakad at aksidenteng nahulog sa butas na puno ng makamandag na ahas. Tanging manipis na sanga lang ang kanyang kinakapitan. Humingi sya ng tulong pero wlang dumating. Naisipan nyang humingi ng tulong sa Dyas. Sumagot ang Dyos at sinabing bumitaw sya at Sya na ang bahala. Ang tanong, bibitaw ka ba? Sa kabila ng mahinang paniniwala sa Kanya? Ipapaubaya mo ba ang buhay mo sa hindi mo nakikita?
Natahimik ang buong klase
. Hindi ata nakarelate sa sagot nya .Pati yung nagtanong, naguluhan. Hindi ata kuntento sa sagot ng propesor. Para sa kanya kasi, hindi nya sinagot ng diretso yung tanong. Ngumiti lang ang Propesor sabay iniba na ang topic. Naikwento naman nya yung mga plano nya sa darating na buwan. Inaayos na pala nya yung papeles nya.
Pupunta pala syang Las Vegas dahil pinag babakasyon sya ng kanyang kapatid na nakabase dun. Makikita mo talaga sa mukha nya ang tuwa. Excited syang makarating ng Las Vegas. Gusto daw nyang makita ang C
easar's Palace at Mag-Casino at maglaro ng Poker sa isa sa mga joints dun. Masaya rin sya dahil makikita nya ang kanyang mga pamangkin. May isang makapal ang mukha na dapat daw may pa-despidida sya. Swimming daw. Payag naman sya at sagot daw nya ang kalahati ng gastos, basta lng planuhin ng maay
os. Natuwa naman ang lahat.
Nagsara na ang klase at nakapag-paalam na ang lahat sa isa't isa lalo na kay sir. Awa ng Dyos, hindi natuloy ang outing . Masaya ang lahat dahil wala daw binagsak ang Propesor ultimo yung mga hindi napasok.
Enrollment nun, masaya ako kasi pasado ako sa retention sa accounting. Pagkatapos makuha ang grades ay dumiretso na ako papuntang SM. Pinapasunod kasi ako ni Ashlee para magkape dahil kumpleto ang tropang Pedro Gil sa Teafrost. Habang naghihintay ng red light sa may kanto ng Ayala at San Marcelino, may nakita akong pamilyar ng mga mukha. Di ko maalala kung san ko sila kaklase basta ang alam ko classmate ko sila. Binati nila ako ng "Classmate!" sabay kaway. Gumanti din ako ng ngiti sabay kaway din. Lumapit sila sa akin. Mukang makikisabay tumawid. Lima ata sila. Tatlong babae at dalawang lalake.
"Pare, pasado lahat tayo sa theology noh?! Wala daw binagsak si Sir sa atin. Nakasabay ko sya nung last day sa bus." Naalala ko na, na classmate ko sila sa theology. Sila yung engineering na magbabarkadang laging nakaupo sa second row. Madalas kasi na sa likod ako naupo para makatulog.
"Ano nga ba name mo? Oracion di ba? OO! Tama ikaw yung nagtanong nung last day natin kay sir"
Natawa lang ako pero hindi ako sumagot.
"Alam mo na ba yung kay Sir?"
"Ang alin? Na nakaalis na syang Las Vegas?!"
"Hindi pre, patay na si Sir. Kelan lang. Hindi na sya nakaalis papuntang Las Vegas. Ang rinig ko, the night before his flight ata. Hindi na lang daw sya nagising sa pagkakatulog."
Shit at Tang ina lang ang nasabi ko sa gulat. Kinilabutan din ako kasi naalala ko yung time na nagpapaalam sya amin. Na kesyo, magla-Las Vegas na daw sya at kesyo masaya daw dun at handa na daw talaga sya. Matagal na daw hinihintay yun at sa wakas malapit na nyang mapuntahan yun. Hindi ko naman alam na ganon pala ibig sabihin nun. Nagpapaalam na pala talaga sya. As in Goodbye! See you soon ha!
Hindi na namin nagawang makipag-libing dahil tapos na. Gusto ko sana kaso late ko narin nalaman. Nag-alay na lang ako ng munting dasal para sa kanya. Bagay na di ko madalas gawin. Di ko na maalala kung kelan sya namatay basta ang pagkakaalala ko, between 3rd week yun ng April at 1st week ng May. Dumaan ako nung may pasok pa sa Department ng Theology para alamin yung first name ni sir pro wala na yung picture nya dun. Hindi ko na sinubukang magtanong sa S.A. Pero tanda ko pa rin yung Last name nya. Prof. Yabut. Kaya ko ginawa 'tong blog na 'to. To give tribute to a great professor. A Counsellor. A man who enjoys living his life. A creation who finally met his Creator.
Sir!!! Kung asan ka man ngayon, alam ko na ang sagot!!! Naiintindihan ko na! hahaha! SALAMAT! Sana pagdating ko jan sa gas, sana salubungin mo ako ha tapos poker tayo!!!!
-ben michael
0 comments:
Post a Comment