Mag-li-limang na oras na akong nasa harap ng computer pero wala namang nangyayari. Isipin mo, 5 na oras para ayusin ang friendster, magtype ng blog na wala namang bumabasa (oo nga pala, meron n.. hehe), magdownload ng mga bagong mp3 at magsoundtrip. Di ko alam kung ganon lang talaga ako kayaman at dito pa ako nagsosoundtrip sa computer shop. Eh pwede naman sa bahay, libre pa. Oo nga noh?! Eh anong pake mo, baket pinapakealaman ba kita sa ginagawa mo? haha! Nakakatuwa lang, parang kagabi andito rin ako hanggang 12.30AM. Masama ang loob at walang kapag-a-pag-asang nararamdaman. Frustrated sa nangyari. Pero wla na un, tapos na un at alam kong makakalimutan din nilang lahat. Tutal weekends and sa monday pa ulit kami magkikita-kita. Maxado ko lang kasing iniisip kaya ganon na lang ang nararamdaman kong hiya sa kanila. Pero gaya nga ng sinabi ko, tapos na un. Quiz sa monday, dun na lang ako babawi. Ang pangit ko pala sumulat ng blog na tagalog... hehe parang alang direksyon ung sasabihin ko. Panu kaya to? hehe parang mas ok pa ung nauna kong blog na english ah!...
Ang sarap talaga magyosi, lalo na pag tapos mong kumain o uminom ng sopdrinks (oo alam ko "softdrinks" ung tamang spelling!). Napakasarap talaga ng feeling kada "puff" mo tapos ibubuga mo ung usok sa taas or papadaanin mo sa ilong mo o di kya ung "bridge". Ung usok from the mouth eh hihigupin mo ng ilong den papalabasin mo rin. Depende na lang kung saan mo gusto. Gusto mo sa mata? haha. Asteg noh?! Eh nasubukan mo na ung 3 days straight kang hindi nagyosi kasi niloloko mo ung sarili mo na kaya mong mgquit tapos ung time na adik na adik ka na eh hinahanap mo? Eh xempre tao ka lang di ka android (gaya ni sir _ _h_ _ o _) ang gagawin mo yosi ka ulit? Oo ako natry ko na yun, at alam mo ung feeling?! Nirvana.. Heaven! hehe, asteg talaga. Pero kahit anong sabihin ko masama parin ang sigarilyo sa katawan. Gaya ko, marami na akong nararamdamang masamang epekto. Ilang milyong tao ang humihithit ng yosi araw araw, at ilan din ang namamatay sa lung cancer. Ewan ko, ginawa tlga tayo ng Dyos na makulit. Kung alin ung bawal un ang gagawin. Parang ako gaya mo. Pero kahit na anong sabihin mo, masaya parin ako sa bawat hithit ko sa aking munting sigarilyo. Sa kabila ng nakamamatay na side effects nito, ok lang. Masaya naman ako eh. Kung mamatay man ako dahil dito, at dumating ang oras na humarap ako sa Kanya. At tanungin nya ako kung naging masaya ba ako sa buhay ko? Ang isasagot ko eh Oo at bakit? kasi nakapagsigarilyo ako kahit ikinamatay ko 'to. Bigla kong naalala yung commercial ng Mcdo. Ung "pap pa rap pap pap". hehe. Taas noo kong sasabihin sayo, I know i made a mistake... And I'm Lovin' it! (pap pa rap pap pa, love ko 'to) hahaha! napakanta ka ba? Un nman ung mahalaga di ba? Ung masaya ka sa ginagawa mo kahit alam mong mali o alam mong hindi dapat. Pero un nga un eh, that's the beauty of it. Un nga lang hanggang kelan? Pero at least alam kong dadating din ung oras na makakapagquit din ako pero sa ngayon ayoko pa. Dahil nag eenjoy pa ako. Hihintayin ko na lang na mismong ang sigarilyo ang umayaw sa akin. Salamat sa aking guilty pleasures, dahil kinukumpleto mo ang araw ko.
Ang lupet talaga ng blog...
0 comments:
Post a Comment