What Went Wrong &; When All Else Fails?
Ayoko talaga ang hang-over. Birthday ni Randy nun kaya nagyaya syang uminom sa Beer Garden, Intramuros. Nakakahiya lang at ako ang unang bumigay, di ko kaya. Mahina talaga ang alcohol tolerance ko sa katawan kaya mabilis akong malasing. Nakatulog na ako at nakaligo pati na rin ang magtoothbrush pero pakiramdam ko lasing pa rin ako. BAD TRIP! Hang Over. Madalas kong isumpa ang alak pero nagagawa ko pa ring mag inom. Hindi rin maganda ang nagiging epekto ng hang over sa akin, kung ano ano ang naiisip ko. Ang dami. Masyadong mabilis ang mga ideya na po-produce ng utak ko, samantalang napaka bagal ko namang isulat ang mga ito. Hindi rin planado kung saan makakarating itong sinusulat ko, random thoughts lang talaga.
Nitong mga nakaraang araw, madalas kong maisip yung mga sinabi ni Tin.
"Nakakapagod din ang makipagrelasyon, tapos hindi rin naman pala kayo sa huli. Magbi-break din kayo. Parang sayang lang yung effort. Mag iinvest ka ng time, money, feelings & emotions tapos mauuwi rin sa wala."
Nakakaasar 'di ba? OO. Bad trip talaga. Kaya kung iisipin mo, parang nakakatakot ng SUMUGAL. Wala rin naman "yatang" mangyayari. Parang ang hirap ng magtake ng RISK. Magsisimula na naman ba ako from SCRATCH?! Walang problema sa akin ang courtship, hindi mo rin naman masasabing wala akong prospect. Ang tanging problema lang eh yung kinabukasan. What IF SUMABLAY? Madadapa na naman ba ulit ako? Wala ng pupulot sa akin at aakayin ako na makalakad muli. Wala na si Grace. Iba na mga priorities ng taong yun. May sarili na syang buhay. At naiintindihan ko naman yun. No problem. Nakakahiya na rin, magiging pabigat pa ako, di ba?
Friday, August 17 wla na namang pasok. Tatlong araw ng umuulan at tatlong araw na rin walang pasok.Bad Trip! Walang allowance.. hehe. Ulan. Sabi nga ni Jim, Buboy at Danny
"Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay,
Di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay."
Dahil wala ngang magawa sa bahay kundi kumain, matulog, manuod ng dvd o tv, napagpasyahan kong mag internet na lang. Habang naglalakad papunta sa computer shop. Naalala ko si Kaye. Sya yung last kong ex. Siguro, kung kami pa ngayon malamang tatlong araw na akong nasa bahay nila dahil wala ngang pasok. Tagal na rin naming hindi nagkikita. Nakakamiss din pala. Madalas ko makwento yung mga ginagawa namin pag weekends sa mga barkada ko. Minsan tinatawanan nila o nilalait kasi napaka naughty daw minsan ng ginagawa namin... sabi ni Grace yan! Pero never kong naisip yun, lagi ko lang sinasabi na "Ang importante, mahal nyo ang isa't isa", sabay tawa. Hay, nakakamiss... Pag nasa bus ako, minsan napapangiti nalang ako pag naaalala ko lahat tungkol sa'yo. Mga kababawan mo, pagiging immature, mga super corny na jokes mo, mga jokes ko din na super corny pero bentang benta sayo, pagtina-tackle mo ako sa sofa, pag kinakagat mo yung balikat ko o hinihipan mo yung tenga ko.Nakaka Miss talaga. Naisip ko nga, What if, tinanggap mo LAHAT ng sinabi ko. Masaya pa rin sana tayo. Sobrang bobo at tanga ko naman, sana hindi ko na lang sinabi sayo. Miss na kita sobra.
"A beautiful girl can make you dizzy. Like you've been drinking jack and coke all morning. She can make you feel high. Full a single greatest commodity known to man. Promise, promise of a better day. Promise of a greater hope. Promise of a new tomorrow. This particular aura can be found in the gait of a beautiful girl. In her smile & in her soul & the way she makes every rotten little thing about life seem like its gonna be ok..."
Hay ulan, ibuhos mo na ang lakas mo hanggang sa matapos ang gabing ito. Upang malinisan na ang mga bawat sulok ng kwarto ko. Para pag gising ko, ibang tao na ako.
0 comments:
Post a Comment